Tigdas Tubig: Alamin ang Katotohanan sa Likod ng Pangalan

Dalawa sa mga pinakapinangagambahang sakit na maaaring dumapo sa mga bata ay ang tigdas at bulutong tubig na madalas ay mapagkamalian bilang tigdas tubig. Mahalagang malaman kung ano nga bang sakit ang dumapo upang masiguro rin na maibibigay ang tamang lunas at gamot.

Katangian ng Bulutong Tubig na Tinatawag ding Tigdas Tubig

Ang bulutong tubig o kilala rin sa katawagang varicella ay mula sa virus na herpes varicella-zoster. Ito ay isang nakahahawang sakit na maaaring maipasa sa pagbahin, pag-ubo, paghawak sa mga tela o bagay na nadikitan ng mga pumutok na butlig ng isang may bulutong.

Pinakamapanganib makahawa ang tigdas tubig dalawang araw bago lumabas ang mga butlig. Matindi rin ang kakayahan nitong makahawa hangga’t ang mga balat ng butlig ay di pa tuluyang natutuyo at nababakbak.

Ang bulutong tubig kaya madalas mapagkamaliang tawagin bilang tigdas tubig ay may kaagapay na mala-trangkasong pakiramdam kagaya rin ng sa tigdas. Ngunit ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng makakating rashes na unang tumutubo sa katawan, tiyan o likuran atsaka unti unting kumakalat sa mga braso at mga binti hanggang sa buong katawan.

Ang mga rashes ay nagiging butlig at maaaring tumagal ng pito hanggang sampung araw. Pagkalipas ng pito hanggang sampung araw, ang mga rashes ay nagiging magpipintog na mga butlig na may lamang tubig sa loob. Ang mga ito naman ay pumuputok rin at ang mga balat ay isa isang nababakbak.

Mga Pag-iingat Tigdas Tubig

Ang kabuuang proseso ng pag-iingat sa tigdas tubig ay kadalasang umaabot ng mula sampu hanggang dalawampung araw o kung kalian masasabing natuyo na ang lahat ng butlig na pumutok.

Sa panahon ng paglabas ng rashes hanggang sa pagputok ng mga butlig na may tubig, magkakaroon ng hindi magandang pakiramdam ang pasyente dahil sa pangangating dulot ng mga butlig na sinasabayan ng mainit na pakiramdam dahil sa lagnat na maaaring umagapay dito. Maaaring magpainom ng antihistamine o anti allergy ayon sa payo ng doktor upang maibsan ang pangagati. Ang paghupa ng pangagati ay maaari ring makatulong upang hindi makapag iwan ng malalalim na peklat ang bulutong na nakukuha sa matinding pagkamot ng pasyente.

Mga Gamot na Kailangan sa Tigdas Tubig

Hindi kailangan ng antibiotic kung wala namang magiging komplikasyon ang tigdas tubig na madalas mapagkamalian bilang tigdas tubig. Kailangan lamang palakasin ang immune system ng pasyente sa panahon na ito upang mapabilis ang paggaling.

Dahil nakahahawa ang bulutong tubig bago pa man lumitaw ang mga butlig nito, pinapayuhang maging maingat hindi lamang para sa kapakanan ng pasyente kundi maging sa kapakanan ng mga taong nakapaligid na maaaring mahawaan nito. Ang mga batang nag-aaral ay pinapayuhang huwag na munang pumasok sa buong panahon ng pagkakasakit hanggang sa siya ay tuluyang gumaling.

Mga Dapat Gawin Kung Napalapit Sa Taong May Tigdas Tubig

Kung napalapit sa taong may bulutong tubig mahalagang bantayan ang mga pagbabagong maaaaring mangyari sa katawan pagkatapos ng paglalapit. Kung makaramdam ng alin man sa mga palatandaang binanggit sa itaas at kung may duda na nahawa na nga, kumunsulta kaagad sa doktor upang masuri at mabigyan ng tamang payo tungkol sa angkop na pag-iingat at aksyon na dapat gawin.

Ang pagkakaroon naman ng bulutong tubig na tinatawag ng iba na tigdas tubig ay magbibigay ng kasiguruhan ng lifetime immunity o habang buhay na proteksyon laban sa sakit na ito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts